Dream Dreams

Currently in search of life's purpose.

ramdom thoughts

Ang dami dami kong random thoughts kanina sa office, pero nakalimutan ko na ang mga ito. Sana may blackberry na lang o kaya naman broadband na may access sa mga ganitong sites para pag may naisip type kaagad.

For the first time in years, super irregular na ako. Hormonal change? Or stress lang?

Ang awkward na ng pakiramdam kapag nakakasalubong kita sa hallways. Paano ba naman kasi, para sa isang tsinelas lang nagkaganito. Pero sana maunawaan mo na may halaga sa akin yun at in the first place, hindi yun sa akin.

Hindi masrap ang lasa ng Milo plus nescafe original 3in1. Mas masrap ang milo plus brown coffee combination.

Excited na ako magpabili sa kaibigan ko na pupunta ng France ng Longchamp bag.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang pabili ng kape sa figaro.

Badtrip dahil walang talong yung order kong binagoonang baboy kay ate! Gusto ko mag reklamo, pero wag na.

Inaantok na ako pero ang dami dami pang kelangan gawin. Paminsan siguro di lang ako efficient sa trabaho ko.

Masya ako sa bago kong seating arrangement sa opisina. Malayo sa mga buaya. 

May checke na kaya ako bukas? Sana sa wednesday meron na dahil wala na akong pera at next week pa ang sahod.

Ikaw, oo ikaw nga! Sana magkita tayo ulit sa hallways ng building. Ang tagal na noong hiningi mo ang aking calling card, hanggang ngayon wala pa ring tawag.Ikaw ang dahilan why I look forward to going to work everyday. Hoping na magkasabay tayo sa elevator.