Pasko 2010
Marami akong natangap na blessings this year, kaya naisip ko na mag share.
Kinuha ko yung tray mula sa christmas tray namin sa office at pinuno ko ng pagkain na makita ko sa bahay. May instant noodles, pineapple juice, coffee at kung ano ano pa. tapos binalot ko ito ng christmas wrapper.
Hinahanap ko si jang jang, yung batang basurero sa labas ng bahay namin ngunit wala siya.
After 1 hour, nagulat na lang ako noong may bata na tumatawag ng pangngalan ko sa labas ng bahay namin. Si Jang Jang, kasama ang babae niyang kaibigan. Binigay ko sa kanya ang Christmas Tray, at biglang may pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.
Natuwa naman ako, na na appreciate niya ang simpleng handog ko sa kanya para sa pasko.
Taon Taon ko na siguro itong gagawin. Hindi ko pa kayang magpaligaya ng isang barangay, isang tao muna ngayon. Nawa’y maipagpatuloy ko ito habang kaya pa ng aking mga bulsa.